MANILA, Philippines - Umaabot sa 352-pasahero at tripulante ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy matapos sumadsad ang barkong sinasakyan ng mga ito habang naglalayag sa karagatan ng Cebu, kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang sumadsad ang M/V Filipinas Ozamis na pag-aari ng Cokaliong Shipping Lines habang dumaraan sa Channel ng Cebu Port sa may Lipata Bank. Ang cargo ship/passenger ni Capt Erben Lumbab na may 45 officers at mga tripulante ay patungong Cebu mula sa Ozamis City, Misamis Occidental ng maganap ang sakuna.