Pulis-HPG nangholdap tinodas

BATANGAS, Philippines — Semen­teryo ang binagsakan ng isang 31-anyos na pulis-Highway Patrol Group na sinasabing holdaper maka­raang mabaril ng isang negosyante na kanyang hi­noldap sa bisinidad ng Ba­tan­gas City, Batangas ka­ma­­kalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tan­gas PNP director ang napatay na si PO2 Royson Hernandez ng Barangay Hipit, San Nicolas, Batan­gas at naka­talaga sa HPG Region 4-A.

Sugatan din ang negos­yanteng si Ruel Cortiguer­ra, 39, ng Brgy. Tambo, Lipa City at naisugod sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City.

Lumilitaw na nag-aan­tay si Cortiguerra sa gaso­linahan sa Barangay Ba­lagtas para makipagtagpo sa isang Joey na nagbe­benta ng sasakyan.

Imbes na si Joey ang dumating, si PO2 Hernan­dez ang kumausap kay Cortiguerra para samahan at makita ang binibiling Mitsubishi Adventure.

Gayon pa man, hindi pa nakakalayo ang dalawang lulan ng kotse patungong Ba­­rangay Banaba South, bumunot ng baril si PO2 Hernandez at itinutok kay Cortiguerra sabay ina­nun­syo ang holdup.

Nang tumanggi ang bik­timang ilabas ang pera, hi­nampas ng baril ni PO2 Hernandez hanggang sa halos mawalan ito ng malay.

Dadamputin na sana ni PO2 Hernandez ang pera na nakatago sa ilalim ng upuan nang masung­ ga­ban ni Cortiguerra ang baril ng pulis hanggang sa mag­pambuno at mabaril ang HPG.

Mabilis na sinipa ni Cortiguerra papalabas ng kotse si PO2 Hernandez at agad namang sumuko sa pulisya.

Show comments