3 dalagita ni-rape ng adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlong dalagita na sina­sabing dadalo sana sa sayawan sa ginanap na kapistahan ang napariwara makaraang magkakasabay na halayin ng mga adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Sitio Tibang, Barangay Bagacay, Legazpi City, Albay. Samantala, iginapos naman ang dalawang pin­sang lalaki ng tatlo na pawang nakatira sa Barangay Ho­mapon. Nabatid na patungo sana sa Barangay Ba­gacay ang mga biktima upang dumalo sa sayawan subalit nakasalubong ang mga manyakis malapit sa pa­laisdaan ni Congressman Al Francis Bichara.

Show comments