Senglot todas sa sunog

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang kalasingan, kamatayan ang naging kapalit sa isang mister matapos itong makulong ng apoy sa loob ng nasusunog niyang tahanan sa Brgy. Busay, Cebu City kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na ang sunog ay nagmula sa salas ng tahanan ni Jason Enriquez, 29 , kung saan mag-isa lamang nakatira sa kaniyang tahanan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago naganap ang sunog ay nakita pa ng kaniyang mga kapitbahay na naglalasing si Enriquez na sinasabing nakatulog sa tindi ng kalasingan. Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng apoy.

Show comments