3 mangingisda, nawawala

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Tatlong mangingisda ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos na mawala sa karagatan ng Pacific Coast sa lalawigan ng Aurora.

Kabilang sa mga nawawalang mangingisda ay sina Cezar Vargas, 36; Roxan Buendicho, 27; at Alex Tacla, 23, pawang nakatira sa Barangay Sabang, sa bayan ng Baler, Aurora.

Napag-alaman na nabigong makabalik ang tatlo matapos pumalaot sakay ng bangkang Bulaklak kung kaya’t agad na humingi ng tulong ang mga kamag-anak sa kina­uukulang ahensya ng lokal na pamahalaan. “Their relatives have been searching for them since Sunday. Pahayag ni Army Col. Loreto Magundayao, hepe ng 5th Infantry Division sa bayan ng Gamu, Isabela. 

Show comments