^

Probinsiya

Baon sa utang: Magsasaka, nagsuicide

- Ni Cristina Go-Timbang -

CAVITE, Philippines — Winakasan ng isang 35-anyos na magsa­saka ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ng dalawang ulit bunsod na rin ng pagkakabaon sa utang kahapon ng umaga sa Maragondon, Cavite.

Dalawang tama ng bala ng shotgun ang kumitil sa bu­hay ni Isagani Hernandez, 35, magsasaka at residente ng Barangay Garita B., na­turang bayan.

Ayon kay PO2 Milovic Faustino, dakong alas-8:00 ng umaga nang magpa­ka­matay umano ang biktima sa loob ng kanyang bahay bu­nga ng malaking pro­blema sa pera.

Una rito, napansin ng pa­milya ng biktima ang laging pag­­kawala nito sa sarili. Po­sibleng hindi na umano na­kayanan ng biktima ang kan­yang problema sa pera.

Dinala naman sa Saint Gregory Funeral Homes ang katawan ng biktima para sa awtopsiya upang matiyak na walang foul play sa insidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GARITA B

CAVITE

DALAWANG

DINALA

ISAGANI HERNANDEZ

MARAGONDON

MILOVIC FAUSTINO

SAINT GREGORY FUNERAL HOMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with