1 patay, 2 sugatan sa sagasa

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Isang babae ang namatay habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito maging ang driver na na­ka­sagasa sa kanila habang papalabas ng simbahan kahapon ng umaga sa Ba­rangay. Poblacion, Ba­liwag, Bu­lacan.

Kinilala ang biktimang si Bianca Nieves Del Rosario 59, may-asawa residente ng Barangay. Pantubig sa ba­yan ng San Rafael habang pagka­bali naman ng mga buto sa kata­wan ang tinamo ni Mil­dred Cruz 38, dalaga, teller at residente ng Ba­ra­ngay. Sa­bang, Baliwag. 

Maging ang suspect at driver na si Luzviminda On­dis 43, ay nasugatan ma­ta­­pos na banggain ang isang sasak­yan. Base sa tinang­gap na ulat ni Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Vil­lanue­va, da­kong alas 10:00 ng uma­ga nang ma­ganap ang insidente kung saan sabay-sa­bay na luma­bas ang tatlong babae mata­pos na magsimba sa St. Augustine Church na nasa Barangay Pobla­cion.

Sakay si Ondis ng kan­yang Toyota Revo (WPF-553) nang aksidente nitong mata­pakan ang selinyador ng sa­sakyan na nagresulta ng pag-arangkada nito.

Nagkataon naman na nag­la­lakad sina del Rosario at Cruz sa harapan ng sa­sak­­yan ni Ondis kung kaya’t agad namang nasa­ga­saan ang dalawa. Hindi naman agad napahinto ni Ondis ang sasak­yan hanggang sa mabang­ga nito ang isa pang sa­sakyan na Honda Civic (XMZ-134) na pag-aari na­man ni Ryan Qui­zon, kawani ng NLEX. Nag­tamo si Ondis ng sugat sa mukha. Sasam­pahan ng ka­song reckless imprudence resulting homicide, physical injury at damage to property si Ondis.

Show comments