Killer truck: 3 katao dedo

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang pitong buwang buntis na misis ang iniulat na nasawi maka­raang suyurin ng cargo truck ang bahay ng mga ito na nasa gilid ng kalsada sa Sitio Saypon, Barangay Crossing Bayabas sa Toril District, Davao City kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga namatay ay sina Jeffrey dela Cruz, Jemar Pancho at ang buntis na si Neneng Pancho.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magka­ka­samang natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan nang ma­ganap ang trahedya matapos na mawalan ng control sa manibela ang drayber ng trak na may naglalaman ng bigas.

Tumakas ang driver at pahinante nito sa matinding takot sa mga residente.

Show comments