Mister inutas ng bayaw

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinaniniwalaang problema sa pera at pamilya ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang isang mister ng kanyang bayaw kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talisay, Sorsogon City. Idi­neklarang patay sa Sorsogon Provincial Hospital si Marlon Orpela, 30, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Erickson de Vera ng Brgy. Pangpang. Lumilitaw na nag­pa­pahinga ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na nag-aalboroto. Kaagad na kinom­pronta ang biktima kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang.

Show comments