14 Abu Sayyaf na nasakote pinalaya
ZAMBOANGA CITY, Philippines — Dahil sa kawalan ng municipal prosecutor para sa pagsasampa ng kaukulang kaso, pinalaya ng pulisya ang labing-apat sa labinlimang bandidong Abu Sayyaf na naaresto ng Army Scout Ranger noong Sabado sa Sitio Bohe Pange sa Barangay Giuong, Sumisip, Basilan.
Gayon pa man, sinabi ni P/Senior Supt. Antonio Mendoza, nanatiling nakakulong ang Abu Sayyaf na si Umar Ippong dahil may nakabinbing warrat of arrest at kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation.
Napilitang palayain ni Mendoza ang mga bandido upang iwasan na makasuhan ng illegal detention matapos ang 36-oras na pagkakakulong kung saan nabigo nilang kasuhan ang mga suspek dahil sa kawalan ng municipal prosecutor na sinasabing nakabakasyon.
Subalit handa naman arestuhin muli ang 14 na bandido habang inihahanda ang kasong illegal possession of firearms and explosives. Philippine Star News Service
- Latest
- Trending