^

Probinsiya

P550,000 pabuya alok vs killer ng election officer, misis

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nag-alok na ng P550,000 cash reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa mga salarin na responsable sa pagpatay kay election officer Emmanuel Gacott at asawa nitong si Frenie sa loob ng kanilang bahay sa Agutaya, Palawan, nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Major Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Police, ang mga kaanak ng napatay na mag-asawa ay naglagay ng bounty reward na nagkakahalaga ng P500,000 habang ang mga opisyal ng Local Government Unit ay nag-alok din ng P50,000 na may kabuuang P550,000.

Sinabi ni Ramos sa PSN sa telepono, ang nilikhang Special Investigation Task Group ‘Gacott’ na pinamumunuan ng provincial director, ay magkakaroon ng case conference ngayong araw upang talakayin ang pag-usad ng kaso.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong pagnanakaw bilang motibo sa pagpatay sa mag-asawang Gacott.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis na nakabukas na ang mga cabinet drawer at walang laman nang dumating sila sa pinangyarihan ng krimen.

Ang cash money na nagkakahalaga ng P3 milyon ay kinuha ng mga hinihinalang salarin mula sa mag-asawang Gacott. Natagpuang duguan sa kusina ang mga biktima nang matagpuang patay sa kanilang bahay sa Agutaya, Pala­wan, nitong Sabado dakong 8:30 ng umaga.

vuukle comment

EMMANUEL GACOTT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with