BULACAN, Philippines — Iprinoklama na bilang ika-28 gobernador ng Bulacan si Wilhermino Sy “Willy” Alvarado laban kay ex-Governor Josie Dela Cruz sa katatapos na makasaysayang automated elections noong Lunes.
Si Alvarado na kasalukuyang bise gobernador at nagmula sa bayan ng Hagonoy ay nakaipon ng botong 533,527 kumpara sa 492,468 boto kay Dela Cruz.
Sa pagka-bise gobernador, nakakuha si Daniel Fernando ng Guiguinto ng 538, 336 boto laban kay Boy Aniag ng Malolos City na nakakuha naman ng 326,099 na boto.
Naiproklama na rin ang mga nanalong congressional candidate na sina Pedro Pancho ng district 2; Jonjon Mendoza ng district 3; Linabella Villarica ng district 4; at si Arthur Robes ng lone district ng San Jose Del Monte.
Wala naman iprinoklamanang kongresista sa district 1 at lone district ng Malolos, dahil magsasagawa ng special elections matapos ibasura ng Korte Suprema ang lone district of Malolos.
Kabilang naman sa mga nanalong Bokal ay sina Michael Fermin, Felix Ople, Ayee Ople, Monet Posadas, Enrique Dela Cruz, Rino Castro, Enrique Viudez III, King Sarmiento, Jonjon Delos Santos at si Romeo Robes. Dino Balabo at Boy Cruz