CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Umaabot sa P1.2 milyong cash na sinasabing pambili ng boto ang nasamsam ng tropa ng Army’s 22nd Infantry Battalion sa loob ng government vehicle ilang oras bago mag eleksyon kahapon matapos dumaan sa Comelec checkpoint sa Barangay Guiamlong sa bayan ng Caramoran, Catanduanes.
Lumilitaw na nagsagawa ng inspeksyon ang mga sundalo sa government vehicle (SHE355) kung saan nadiskubre ang 1,000 piraso ng sample ballot at mga sobre na naglalaman ng P500 kada isa.
Nabatid na ang mga balota ay nakapangalan sa gubernatorial na si Congressman Joseph Santiago at isang kandidato pagka-provincial board member na si POPA na sinasabing may-ari ng malaking halaga.