^

Probinsiya

Tallado, inindorso ng mga militanteng grupo

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE , Philippines  — Hindi maitago ang labis na kasiyahan ni re­elec­tionist Governor Edgardo “Egay” Tallado matapos iin­dorso ng mga grupo ng Ba­yan Muna, Anak Pawis, Gabriela, Kaba­taan at grupo ng Act Teachers sa ginanap na pagdiri­wang ng Araw ng Paggawa noong Sabado ng umaga sa harap ng Daet Elevated Plaza, Camarines Norte.

Una nang pinuri ng Sim­ba­hang Katolika si Gov. Tal­lado sa pangunguna ni Bi­shop Gilbert Garcera sa gi­na­nap na candidates forum na isang pulitikong may takot sa Diyos at ma­linis ang hangaring maka­pag­lingkod sa taum­bayan sa Camarines Norte.

Sa Araw ng Paggawa, ipi­nahayag ni Tallado na isa sa kanyang programa ay ang mga maralitang resi­dente partikular na ang mga mang­gagawa na sumasa­hod la­mang sa mababang halaga.

 “Galing din ako sa ma­hirap, kayat alam ko ang pi­nagdaraanan ninyo,” paha­yag ni Tallado.

Si Tallado ay nakaupo lamang sa kapitolyo noong Pebrero 28, 2010 matapos ang halos tatlong buwan na lamang ang natitira sa kanya bilang Ama ng Camarines Norte,

Ipinagpatuloy pa rin ni Tallado ang naantalang pro­yekto ni ex-Governor Jesus Typoco Jr. sa pamamagitan ng paglalaan ng libreng gamot sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Si Tallado na kumakan­didato sa gubernatorial race sa Camarines Norte sa ilalim ng Liberal Party ay una nang naging vice governor 2004 hanggang 2007.

ACT TEACHERS

ANAK PAWIS

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

DAET ELEVATED PLAZA

GILBERT GARCERA

GOVERNOR EDGARDO

SHY

SI TALLADO

TALLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with