Campaigner, aide ng mayoral bet itinumba
MANILA, Philippines - Lalong nagiging brutal ang papalapit na May 10 elections kung saan isang security aide at isang campaign coordinator ng mayoral bet ang iniulat na napaslang sa panibagong naganap na magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Cavite at Cagayan kamakalawa.
Si Gilberto Hayayhay, 46, ng Brgy. Daang Amaya, driver-security aide ni mayoralty candidate Simon Matro ng Lakas NUCD ay pinagbabaril sa bisinidad ng miting de avance sa Barangay Paradahan sa bayan ng Tanza, Cavite
Nabatid na bumili lamang ng sigarilyo ang biktima sa ‘di-kalayuan sa campaign rally ng kanyang Ayon sa police report, tumakas ang gunman lulan ng owner-type jeep na may plakang DTN 726.
Samantala, si Alfredo Gannaban, 47, na sinasabing campaign coordinator ni Cagayan mayoralty candidate Lauro Fausto ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga supporter ni incumbent Mayor William Mamba sa bisinidad ng Barangay Tanbubu sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Naaresto naman ang mga suspek na sina Armand Dilig, 39; Henry Tabangcura, 42; Rodrigo F Tangonan, 41; Joel Ranjo, 32; Rogelio Andam, 48; Romeo Aguirre, 53 at si Patricio Taguiam.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagtungo ang biktima sa nasabing lugar upang beripikahin ang ulat kaugnay sa panggugulo ng mga supporter ni Mayor Mamba kung saan ginulpe ang ilan nilang supporter.
Gayon pa man, pagdating sa nabanggit na lugar ay niratrat at napatay ang biktima kung saan nasabat naman ng pulisya at nasamsam ang apat na baril, apat na celpon at dalawang yunit ng handheld radio. Dagdag ulat ni Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending