Chato, angat sa candidate forum
CAMARINES NORTE, Philippines — Libu-libong residente ang sumuporta kay incumbent Congresswoman Liwayway Vinzons-Chato matapos mapanood ang candidates forum na inilunsad ng Simbahang Katolika katuwang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV) kamakalawa ng gabi sa harapan ng Daet Elevated Plaza, Vinzons Avenue sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Dinaluhan ng mga kandidato sa gubernatorial race, vice gubernatorial at congressional race kung saan ang layunin ay ipaalam sa taumbayan ang karapat-dapat na manungkulan sa Camarines Norte sa pamamagitan ng kanilang paglalahad ng plataporma de-gobyerno.
Dumalo rin sa candidates forum sina Bishop Gilbert Garcera at Monsignor Cesar Echano Jr. Kura paroko ng St. John the Baptist Church.
Kabilang sa mga programa at proyekto ni Chato na naipatupad sa loob ng tatlong taon ay ang mga yunit ng computer na naibigay sa 282 barangays, naipagawa ang kalsada sa 12 bayan, libreng edukasyon ng mag-aaral mula sa maralitang pamilya, libreng gamot, naibsan ang pagbabaha sa ilang bayan sa pamamagitan ng drainage system at ang paghahati ng dalawang distrito sa Camarines Norte na hindi naisakatuparan ng mga nakatalikod na kongresista.
Dalawa sa congressional race ang magiging katunggali ng pambato ng Liberal Party na si incumbent Congresswoman Atty. Liwayway Vinzons-Chato.
Hinamon naman ni Chato ang kanyang katunggali na ilahad ang kanilang plataporma de goberyno para sa taumbayan at hindi black propaganda.
- Latest
- Trending