KBarangay chairman nilikida

BULACAN , Philippines  – Binaril at napatay ang isang 75-anyos na barangay chairman habang nakikipag-usap sa dalawang kapitbahay na babae sa harapan ng kanyang tahanan kamakalawa ng hapon sa Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Nasapol ng bala ng baril sa dibdib si Florentino Rivera ng Cagayan Valley Road sa nabanggit na barangay. Nakatakas naman ang gunmen lulan ng puting pick-up na walang plaka patungo sa direksyon ng Nueva Ecija. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa election-related violence ang pamamaslang.

Show comments