Pulis dedo sa heat stroke
CAVITE, Philippines — Isang radio operator ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang atakihin sa puso dahil sa heat stroke habang nag-eehersisyo sa loob ng Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Medical Center Imus subalit ideneklarang patay si PO3 Florencio Gamana Alivio, 48, biyudo, at nakatira sa Block 21, Lot 5, Phase 11, Sunshine Homes, General Mariano Alvarez, Cavite. Nabatid na magkakasamang nag-eehersisyo ang mga pulis nang biglang mawalan ng malay-tao ang biktima at nabagok ang ulo sa semento ng covered court.
- Latest
- Trending