4 holdaper tiklo sa checkpoint

MANILA, Philippines - Apat-katao na sina­sa­bing tumangay ng P.5 mil­yon sa isang negos­yante ang na­aresto ng pu­lisya sa inilatag na checkpoint sa Barangay Danca­lan sa bayan ng Can­doni, Negros Occidental kama­kalawa.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Joan Arsenio, 39; An­drew Arsenio, 34; Christopher Tolitod, 25; at si Napoleon Barsenal, 31.

Ayon kay P/Inspector Anthony Cana, hepe ng Can­doni PNP, dumulog sa him­pilan ng pulisya si Henry Tanedo kaugnay sa mga sus­pek na nanloob sa kaniyang tahanan sa Purok Alungcod, Brgy. Payawan.

Agad namang inalerto ni Cana ang mga operatiba ng pulisya at naharang ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Narekober sa mga sus­pect ang P89,040 cash na bahagi ng ninakaw, isang celpon, bonnet at patalim na ginamit sa krimen.

Sa follow-up operation sa Sitio Talungo, Brgy. Jaba ay na­rekober naman ang karag­dagan P25,500 cash at tat­long baril kung saan isinuko rin ng mga suspek ang P50,000 cash.

Show comments