Governor Deloso, pinarangalan sa kaunlaran ng Zambales

ZAMBALES, Philippines Pinarangalan ng League of Provinces of the Philip­pines si Zambales Governor Atty. Amor Deloso bilang most outstanding governor in the Philippines at pag­kilala sa natatanging kontribusyon nito sa kaunlaran ng nabanggit na lalawigan.

Tinanggap ni Deloso ang plake ng pagkilala mula kina Gov. Ben Evar­done, LPP Secretary General; Gov. Luis Raymund Villafuerte, Jr., LPP Na­tional Chairman at Gov. Loreto Leo Ocampos, LPP Pre­sident sa ginanap na 8th General Assembly ng liga.

“This plaque was awarded to Gov. Deloso for his visionary, trailblazing and dynamic leadership and commitment to a strong national, provincial government and private sector partnership,” wika ni LPP national chairman Loreto Leo Ocampos.

Sa kanyang pagtanggap, sinabi naman ni Deloso na marami pang programang pangkaunlaran para sa kalusu­gan, edukasyon at pagpapalakas ng ekonomiya ang naka­hanay na sa kanyang master plan para sa susunod na taon.

“Marami pang makikitang magagandang proyekto ang mga Zambaleño sa taong ito dahil patuloy na nagtitiwala sa atin ang mga dahuyan at lokal na negosyante na nakakakita ng oportunidad sa ating bayan,” dagdag pa ni Deloso.

Show comments