Jailbreak: 6 preso pumuga

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang isang jailguard makaraang makatakas ang anim na preso mula sa detention cell sa Ozamis City, Misamis Occi­dental kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa mga puganteng tugis ng pulisya ay sina Randy Edpalina, Carl Martin Acapulco, Johny Col Anasco, Ronel Racaza, John Ray Narisma at si Rey Perez. Lumilitaw sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinungkit ng mga preso ang susi na naiwan ng jailguard na tinukoy lamang sa apelyidong Mable sa ibabaw ng mesa nito. Sinasabing nagmamadaling pumasok sa palikuran si Mable na ipinatong ang susi sa ibabaw ng mesang pinagsusulatan nito. Dito na pinagtulungang sung­kitin ng mga preso ang susi hanggang sa mabuksan ang bakal na pintuan ng kanilang selda saka mabilis na tumakas.

 

Show comments