^

Probinsiya

Comelec office sinunog

Nila - Boy Cruz at Dino Balabo -

BULACAN, Philippines – Pinani­niwalaang maaapek­tuhan ang eleksyon sa bayan ng Obando, Bulacan makara­ang sunugin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki ang opisina ng Commission on Elections (Comelec) na nasa loob ng munisipyo ng na­banggit na bayan noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng provincial fire marshal na si Supt. Ab­salom Zipagan, nagsimula ang sunog bandang alas-11:15 ng gabi at naapula naman makalipas ang 30-minuto.

Nadamay sa sunog ay certified voters list (CVL), voters registration report (VRR), maha­halagang do­ku­mento na may kaug­nayan sa May 10 elections at mga sample ballot para sa isasagawang mock elections. Bago su­miklab ang apoy, nabatid na nasa opisina pa ang tatlong kawani ng Comelec ka­bilang na si Election As­sistant ll Enriqueto San Diego­ kung saan magkaka­sabay na umalis.

Sa ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Fer­nando Villanueva, acting provincial police director, dala­wang ’di-pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo ang umaaligid sa nabang­git na lugar.

Nabatid na namataan ang dalawa na bumaba ng motor­siklo saka nagmama­daling umalis. Natagpuan ng pulisya ang dalawang maliit na plastic container na sina­sabing may kemikal na ginamit sa panu­nunog.

Kasalukuyan pang ini­im­bestigahan ng mga ta­uhan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDT-Bulacan ang tatlong tauhan ng Comelec na napag-alamang nagtrabaho sa opisina ng hatinggabi bago naganap ang sunog.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Atty. Sabino Me­ja­rito, election super­visor na walang epekto ang na­ganap sa sunog sa da­ra­ting na halalan dahil may mga kopya sila ng nasunog at naba­sang mga doku­mento.

vuukle comment

BULACAN

CHIEF INSP

COMELEC

ELECTION AS

ENRIQUETO SAN DIEGO

JULIUS CAESAR MANA

KASALUKUYAN

SABINO ME

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with