^

Probinsiya

Mayoral bet pinadidiskwalipika

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isinusulong ng mga re­si­dente ng Los Baños, Laguna ang pagba­sura sa kandi­datura ni Mayoralty candidate Anthony “Ton” Genuino dahil sa pagiging residente nito ng Makati City.

Sa petisyong isinumite nina Cesar Garcia ng Brgy. Batong Malake at Pablo Silva ng Brgy. Timugan, sa Com­mission on Elections (Come­lec), dapat lang ma-dis­qualify si Genuino base sa kan­yang certificate of can­di­dacy sa pagka-kon­sehal sa Makati City noong May 14, 2007 local elections.

Sa certificate of candidacy ni Genuino para sa pagka-alkalde ng Los Baños, tinukoy nito na ang kanyang tirahan ay ang pag-aari niyang Trace College sa El Danda, Batong Malake, Los Baños, Laguna. Ayon kina Garcia at Silva Jr., lumilitaw na luma­bag si Genuino sa ilalim ng Sections 39 of the Local Government Code at Sections 65 at 68 of the Omnibus Election Code.

Sinabi pa nina Garcia at Silva na ang Trace College ay isang business entity at hindi maaaring maging place of domicile ni Genui­no kung saan misleading para sa mga residente ng Los Baños.

“Si Genuino ay kasalu­ku­yang residente at registered voter sa Precinct No. 0102A, Bgy. Bangkal sa Makati City. 

Sa kasalukuyan ay hindi naman nakuha ang panig ni Genuino kaugnay sa na­banggit na isyu.

BATONG MALAKE

BRGY

CESAR GARCIA

EL DANDA

GARCIA

GENUINO

LOCAL GOVERNMENT CODE

LOS BA

MAKATI CITY

SHY

TRACE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with