Hapones inaresto sa airport

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang 59-anyos na Hapones makaraang makumpiskahan ng barbecue stick at manutok sa security personnel sa Davao International Airport sa Davao City kamakalawa.

Kinilala ang nasakoteng Hapones na si Masashi Akiyama na taga-Shinjouko, Japan na may passport number T-9443247.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang arestuhin ng 11th Aviation and Security Group si Akiyama matapos makumpiskahan ng matulis na bagay sa kanyang bagahe. Nabatid na nagmura at inumangan ng screw driver ni Akiyama ang security officer na si Joseph Palamine sa final screening kaya kaagad itong inaresto at kinasuhan.

Show comments