Mister tinodas ni misis

CAUAYAN CITY, Isabela , Philippines   – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 59-anyos na mister ng kanyang misis makaraang pakawalan ng una ang mga alagang baboy sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Victoria sa bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa.

Napuruhan sa ulo at leeg si Alfredo Domingo habang sumuko naman sa pulisya ang misis na si Loreta Domingo, 60, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang bago maganap ang krimen ay pinapaliguan ng misis ang kanilang mga alagang baboy nang dumating ang biktimang senglot at pinakawalan ang mga alagang baboy.

Dahil dito, ay nagalit ang suspek at pinagbabaril ang kanyang mister. Agad din na sumuko ang suspek dala ang gamit na baril sa himpilan ng pulisya kung saan matinding pagsisisi ang namutawi ng misis.

Show comments