3 PNP sugatan sa campaign rally

­MANILA, Philippines - Tatlong pulis na tumatayong escort sa pangangampanya ni congressional bet Gerry Salapuddin ang nasugatan makaraang mahulog sa putol na kalsada ang sinasakyang patrol car sa highway ng Isabela City, Basilan kamakalawa. Kinilala ang mga biktima sa mga apelyidong PO3 Jabarani, PO2 Jaji at PO2 Idjas na pawang isinugod sa Basilan Community Hospital. Naganap ang sakuna sa kahabaan ng highway ng KM 11 sa Brgy. Lumbang kung saan bumabagtas ang PNP Hi-Lux patrol car (SKA –219) na minamaneho ni SPO3 Milahad Asmad lulan ang walong PNP personnel ng Basilan Headquarters at 1519th Provincial Public Safety Management Company.

Show comments