Lover ni misis kinatay ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Hindi na makayanan ng mister ang kanyang nasaksihang na­ka­siping ang kanyang mi­sis sa ibang lalaki sa loob ng ba­hay kubo kaya naga­wang pagtatatagain hang­gang sa magkagutay-gutay ang ka­tawan ng lalaki sa Ba­rangay La Medalla, sa ba­yan ng Baao, Camarines Sur kama­kalawa ng hapon.

Nagtamo ng malalalim na taga sa katawan si William Bidural 57, biyudo ha­bang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Nar­dito Sinfuego, 54, ng Barangay Salvacion.

Nabatid na naaktuhan ng suspek ang kanyang misis at lover nito na nagtatalik sa loob ng kubo bandang ala-una y medya ng hapon. Dahil sa na­sak­si­hang aktu­wal na por­­no­gra­piya ng asawa at lover ay big­lang nagdilim ang kan­yang pag-iisip kung saan walang habas na pi­nag­­tataga ang lalaki.

Nakahulagpos naman at nakatakbo palabas ng kubo ang misis kung saan ikina­gulat naman ng ilang resi­dente ang pagtakbo ng ba­bae na nakahubad sa kal­sada. Bago maganap ang in­sidente ay hindi inabutan ng mister ang kanyang mi­sis sa kanilang tahanan at may nakapag­sabi na nag­la­laro ng apoy ang kan­yang misis kaya mabilis nitong tinungo ang nabang­git na lugar kung saan na­aktuhan ang dalawa.

Show comments