KIDAPAWAN CITY , Philippines — Apat na mag-uutol ang nalason matapos kumain ng lutong alamang na may gata kahapon ng tanghali sa Barangay Kilada sa bayan ng Matalam, North Cotabato. Kabilang sa mga naisugod sa Polymedic Cooperative Hospital sa bayan ng Kabacan ay sina Muhammad Palaman, 20; Nora, 19; Bai Laga, 3; at si Bai Analyn Palaman,1. Base sa ulat ng pulisya, bumili ng ginataang alamang ang mga biktima sa kanilang kapitbahay para pananghalian subalit makalipas ang ilang minuto sa salu-salong pagkain ay nakaramdam na agad sila ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka.Tiniyak ng doktor na ligtas na sa tiyak na kapahamakan ang mga biktima, lalo na ang mga bata.