^

Probinsiya

Supporter ng gubernatorial bet nanutok ng baril

-

BATANGAS, Philippines – Nahaharap sa kasong frustrated murder at violation of Comelec gun ban ang isang supporter ni Batangas gubernatorial bet Armand Sanchez matapos tutukan nito ng baril ang isang supporter naman ni Governor Vilma Santos-Recto sa bisi­nidad ng Barangay Bolbok sa Lipa City, Batangas kamaka­lawa ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director ang suspek na si Roger De Torres, 45, ng Barangay 3, Lipa City at close-in bodyguard ni Barangay Bolbok Chairman Dakila Atienza ng Lipa City na ka­partido ni Sanchez sa ilalaim ng Nacionalista Party.

Ayon sa report, nag-iinu­man ng alak ang grupo ni De Torres nang imbitahin nito si Valentino Maguiat na ma­sugid na supporter naman ni Go­vernor Vilma Santos-Recto.

Nabatid na inalok ng sus­pek na uminom si Manguiat kasabay sa pagkumbinsi nitong suportahan si Sanchez imbes na si Gov. Vi. sa da­ra­ting na halalan.

Nang tumanggi si Man­guiat, nagalit ang suspek hanggang tutukan nito ng baril ang biktima at nang kalabitin ang gatilyo ay masuwerte namang hindi pumutok.

Samantala, itinatanggi naman ng suspek ang aku­sas­yon ng biktima.

ALBERTO SUPAPO

ARMAND SANCHEZ

BARANGAY BOLBOK

BARANGAY BOLBOK CHAIRMAN DAKILA ATIENZA

BATANGAS

DE TORRES

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

LIPA CITY

NACIONALISTA PARTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with