^

Probinsiya

Ambush: 1 Marines dedo, 1 nawawala

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - Sinikwat ni kamatayan ang isang sundalo ng Philippine Marines habang nawawala pa rin hanggang sa kasalukuyan ang kasamahan nitong sundalo sa naganap ng pananambang sa bayan ngTernate, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si 2nd Lt. Lowell Hobinario, 28, tubong Mandaue, Cebu.

Nawawala naman si 2nd Lt. John Santiago, 24, tubong Quezon, Palawan at kapwa nakadestino sa Marine Base Training School sa Ternate, Cavite.

Base sa police report, pabalik na sa kanilang kampo ang dalawang sundalo sakay ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng ‘di- pa nakikilalang lalaki pagsapit sa may Barangay Sapang 1.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan si Lt Hobinario at nasawi habang ginagamot sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic Cavite bandang alas-11:00 ng gabi.

Samantala, hindi na natagpuan si Lt.Santiago nang rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar.

Sinisilip ng pulisya kung kagagawan ng rebeldeng New People’s Army ang pananambang o may iba pang motibo sa naganap na insidente.

vuukle comment

BARANGAY SAPANG

CAVITE

JOHN SANTIAGO

LOWELL HOBINARIO

LT HOBINARIO

MARINE BASE TRAINING SCHOOL

NAIC CAVITE

NEW PEOPLE

PHILIPPINE MARINES

SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with