Vice mayor lumutang na

MANILA, Philippines -  Lumutang na ang vice mayor ng Pagbilao sa Quezon na naunang iniulat ng kanyang mga kaanak na nawawala habang nagdya-jogging noong Abril 8 sa bayan ng Ala­minos, Laguna. Sa pahayag ni P/Chief Supt. Rolando Ano­nuevo, na nakabalik na sa kaniyang pamilya si Pagbilao Vice Ma­yor Apolinar Martinez kung saan sina­sabing may mga ar­ma­dong kalalakihan ang humarang sa biktima. Ipinaliwanag naman ni Anonuevo, na duda ang mga awtoridad na kasong kidnapping ang insidente dahil sa ka­kulangan ng kaukulang detalye. Una rito, nakaligtas na sa pamamaril ang bise alkalde sa bayan ng Pagbilao may ilang linggo na ang nakalipas bagay na patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya.

Show comments