Trak ng kandidato sinilaban

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang trak na pag-aari ng kandidatong gobernador matapos itong h­arangin sa Brgy. Kinangan, Malita, Davao del Sur noong Biyernes ng umaga. Ayon sa ulat, ang sinunog na Izusu truck ay pag-aari ni Nationalist People’s Coalition (NPC) gubernatorial bet Claude Bautista. Da­ lawang anggulo ang sinisilip ng pulisya kung saan ka­gagawan ng mga rebeldeng New People’s Army at ika­lawa ay may bahid politika.

Show comments