2 patay sa pamamaril
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawa katao ang nasawi at tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga ‘di-nakikilalang mga suspek habang lulan ng Crosswind ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Barangay Balaba, Polangui, Albay.
Nakilala ang nasawi na sina Eladio Sabater, 62, negosyante, at Emalyn Bulay-Og, 31, may-asawa samantalang sugatan sina Fe Marana, 53, may asawa, Mary Rose Mape, 32, may asawa, at Rolando Base 37, may asawa, pawang mga residente ng naturang barangay.
Napag-alaman na ang mga biktima ay galing sa Barangay Baologo Oas, Albay bago naganap ang pamamaril.
- Latest
- Trending