Vice mayor kinidnap?

LUCENA CITY, Philippines — Isang vice mayor sa Pagbilao, Quezon ang napaulat na nawawala at posibleng kinidnap habang nagsa­sagawa ng kanyang routin exercise, ayon sa ulat ka­ha­pon ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Apolinar Martinez, 57 anyos, na kasalukuyan ding kumakandidatong mayor sa Pagbilao.

Isang nagmalasakit na mamamayan ang nagpa­dala ng text message na nagsasaad na kinidnap si Martinez sa isang lugar sa Laguna.

Sinasabi ng asawa ni Martinez na nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa ilang kamag-anak nila sa Alaminos, Laguna na nagbalitang nawawala mula pa bandang alas-5:30 ng umaga ng Huwebes ha­bang nag-eehersisyo.

Nabatid na, noong Mar­so 23, nakaligtas si Mar­tinez sa tangkang pag­pa­tay sa kanya ng hindi pa ki­lalang suspek na bumaril sa kanya.

Sinisiyasat ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang insidente.

Show comments