Mag-utol hinostage ng ama

MANILA, Philippines - Binalot ng tensyon ang isang komunidad matapos na i-hostage ng 30-anyos na ama na may diprensya sa pag-iisip ang dalawa nitong anak sa Barangay Ma­natad, sa ba­yan ng Sibonga, Cebu kamakalawa. Kusa na­mang sumuko sa pulisya si Adonis Flores na na­ga­wang tutukan ng karit na panggapas ng palay ang ka­ni­yang dalawang anak na nagkakaedad 4 at 2-anyos. Napag-alamang ru­mes­ponde ang pulisya sa pa­mu­muno ni SPO2 Darlene Ba­nogon matapos na hu­mingi ng tulong ang misis ng suspek na si Juvilyn. Nang ma­mataan ng suspek ang paparating na pulis ay ani­mo’y maamong tupa na sumuko. Nabatid na ang sus­pek ay nasangkot na rin sa pagpatay sa kaniyang pin­san pero hindi nakulong dahil walang nagsampa ng kaso. Kaugnay nito, minabuti ng pulisya na iturnover ang suspek sa mental hospital sa Cebu City.

Show comments