Pari binoga habang nagdarasal

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang imam (paring Muslim) makaraang barilin ng ‘di-pa kilalang lalaki habang nagdarasal sa compound ng bahay sa Barangay Nasapian sa bayan ng Carmen, North Cotabato, kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Insp. Winston Seniel, hepe ng Carmen PNP, ang biktimang malubhang nasugatan na si Mustapha Tomanong, 50, nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na ang biktima ay nasa loob na ng compound ng bahay na pag-aari ni Abdul Bualan nang lapitan at barilin sa dibdib at tiyan.

Show comments