Kinidnap na Swiso namimiligro

MANILA, Philippines - Dumaranas ng malub­hang karamdaman ang negosyanteng Swiss Filipino na kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front noong Abril 4 sa Zamboanga City.

Ito ang ibinulgar kaha­pon ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat, pi­nuno ng binuong Crisis Management Committee sa pagdukot kay Charlie Rieth, 72.

Kasabay nito, nakiusap si Lobregat sa mga kidnaper na palayain si Rieth dahil posibleng mameligro ang buhay ng nasabing dayuhang negosyante.

Sa phone interview, si­nabi ni Lobregat na duma­ranas ng sakit na vertigo si Reith bukod pa sa hypertension, sakit sa puso, lala­munan at diabetes kung saan mahina ang kondis­yon ng katawan ng matan­dang bihag.

Kaugnay nito, inihayag naman ng hepe ng AFP Public Affairs Office na si Lt. Col. Arnulfo Marcelo Bur­gos Jr. na mahigit  na 500 sundalo ang naata­sang tumugis sa mga kidnaper ni Reith.

Ayon kay Burgos, nag­latag na rin ng mga checkpoint maliban sa Task Force Zamboanga ay mi­no­bilisa na rin ang Army’s 18th Infantry Battalion at Special Forces upang mag­sagawa ng search and rescue operations.

Si Reith ay dinukot ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng fatigue uniform ng militar at uniporme ng pulisya habang naka­takas naman ang kaibigan nitong Aleman na si Carl Reithling sa naganap na insidente sa Brgy. Patalon sa Zamboanga City noong Abril 4.

Show comments