Protesta vs pagmimina

ZAMBALES, Philippines – Pina­ngu­nahan ng Samahang Defenders of the Environment for a Geniune Development of Zambales ( DEFEND Zam­bales) ang ecumenical walk patungong Sagrada Cave sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales upang ipahayag ang pagtutol sa malawakang pagmimina na nagaganap sa nabanggit na lalawigan.

Kasama ang iba’t ibang sekta ng relihiyon, nilakbay ng grupo ang may 10-kilome­trong layo mula sa Barangay Lipay patungong Sagrada Cave sa Baran­gay Almasin kung saan kino­kondena ang malawa­kang pagkasira ng kabun­dukan sa Zambales dulot ng pag­mimina.

Ayon kay Jo Astadan ng Defend Zambales, ang pro­testa na tinawag nilang Lakad Nilay ay itinaon noong Sabado de Gloria upang maiugnay sa pag­pa­pak­asakit at muling pagkabuhay ni Kristo sa mga kaganapan sa kali­kasan.

Nabahala naman ang mga residente sa Sta. Cruz, na mahalintulad ang ka­ni­lang munisi­pa­lidad sa Bo­tolan na si­ na­­lanta ng mala­wakang pag­­baha na nag­dulot ng pa­hirap sa 80% mama­mayan noong 2009.

Banta din daw sa kalu­sugan ang may 200 dump­truck kada araw na duma­raan na may tone-tonela­dang nickel ore na posi­bleng humalo sa alikabok at ma­langhap ng mga re­sidente.  - Alex Galang

Show comments