Protesta vs pagmimina
ZAMBALES, Philippines – Pinangunahan ng Samahang Defenders of the Environment for a Geniune Development of Zambales ( DEFEND Zambales) ang ecumenical walk patungong Sagrada Cave sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales upang ipahayag ang pagtutol sa malawakang pagmimina na nagaganap sa nabanggit na lalawigan.
Kasama ang iba’t ibang sekta ng relihiyon, nilakbay ng grupo ang may 10-kilometrong layo mula sa Barangay Lipay patungong Sagrada Cave sa Barangay Almasin kung saan kinokondena ang malawakang pagkasira ng kabundukan sa Zambales dulot ng pagmimina.
Ayon kay Jo Astadan ng Defend Zambales, ang protesta na tinawag nilang Lakad Nilay ay itinaon noong Sabado de Gloria upang maiugnay sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Kristo sa mga kaganapan sa kalikasan.
Nabahala naman ang mga residente sa Sta. Cruz, na mahalintulad ang kanilang munisipalidad sa Botolan na si nalanta ng malawakang pagbaha na nagdulot ng pahirap sa 80% mamamayan noong 2009.
Banta din daw sa kalusugan ang may 200 dumptruck kada araw na dumaraan na may tone-toneladang nickel ore na posibleng humalo sa alikabok at malanghap ng mga residente. - Alex Galang
- Latest
- Trending