Masinloc mayor isinangkot uli sa harassment
ZAMBALES, Philippines — Muli na namang isinangkot ang alkalde ng bayan ng Masinloc sa Zambales kung saan sinasabing ipinag-utos nito sa pulisya na arestuhin ang mga minero sa Barangay Balunganon kahapon ng umaga.
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Atty. Yodel Deloso, legal counsel at tagapagsalita ng Compania Minera Tubajon Inc. (Minera), na nilusob ni P/Insp. Jerson Dayupay ang compound ng gate 2 ng Minera kung saan inakusahan ang mga minero na magnanakaw.
Kinondena ni Atty. Deloso, ang aksyon ng pulisya dahil walang maipakitang dokumento kundi liham ni Antonio San Jose, general manager ng Consolidated Mines, Inc. (CMI), mula kay Masinloc Mayor Jessu Edora na humihiling na pigilan ang paghahakot ng chromite sa minahan.
Ayon naman kay Atty. Noel S. Ferrer, chairman ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB), walang kapangyarihan na pigilan ng munisipyo ang operasyon ng minahan dahil tanging PMRB lamang ang may poder dito.
Idinagdag pa ni Ferrer na ang Minera ay may permit mula sa PMRB at mayroon din itong mineral ore export permit (MOEP) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Randy Datu
- Latest
- Trending