3 kidnaper arestado

BATAAN, Philippines — Tatlo-katao kabilang ang isang Tsino na sinasabing grupo ng kidnap-for-ransom ang naaresto ng mga awtoridad sa Villa Sto. Niño, Brgy Sta. Cruz, Tarlac City, Tarlac kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Czarelle Sy, ng Chicago Technical University Hills Subdivision, Caloocan City; Marites “Tess” Dayto, at Nichomedes Amar na gumagamit ng mga alyas na Nick, Pantoy at Patoy, ng Balas St., Brgy Culis, Hermosa. Naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Adoracion Angeles ng National Capital Regional Trial Court Branch 121 Caloocan City matapos na dukutin si Johnny Sy y Tsang sa kahabaan ng Chicago Technical University Hills Subd. noong April 8, 2008. Jonie Capalaran

Show comments