MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin na madiskuwalipika sa May polls ang isang gubernatorial bet makaraang maaresto kasama ang limang iba pa sa isinagawang drug bust operation sa Surigao City, Surigao del Norte noong Miyerkules ng hapon.
Isinailalim sa tactical interrogation at pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Roberto Deguino, gubernatorial bet sa Surigao del Norte; Arlinda Ecleo, misis ni Ricardo Ecleo; Glen A. Sykimte, Jose Cariaga at si Jenelyn Niriega. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, isinagawa ang drug bust operation sa bahay ng Ricardo S. Ecleo sa M. Ortiz Street, Brgy Washingtong.
Nasamsam sa mga suspek ang 1-sachet of shabu, 2 cell phone 2 weighing scale, P8,900 cash at P1,000 marked money. Joy Cantos