Gover­nor Mendoza mananatili sa puwesto

MANILA, Philippines - Patuloy na mananatili sa puwesto bilang gober­nador ng  Bulacan si Jose­lito “Jonjon” Mendoza.

Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Midas Marquez, siyam na Mahistrado ang puma­ bor sa pananatili sa puwes­to ni Mendoza, 4 dito ang hindi pumabor habang da­lawa naman ang hindi nag-participate sa botohan.

Sa desisyon ni SC Associate Justice Jose Perez, pinaboran nito ang motion for reconsideration na ini­hain ng kampo ni Mendoza na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc na nag­sasabi na si Roberto Pag­danganan ang nanalong gobernador ng Bulacan.

Nakasaad pa sa desis­yon na mayroong grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang ipalabas nito ang desisyon  na nag­sasaad na si Pagdanganan ang nanalo.

Nilinaw naman ni Mar­quez na maari pa ring mag­hain ng motion for recon­si­deration ang kam­po ni Pagda­nga­­nan ka­ugnay ng nasa­bing usa­pin.

Kaagad ipina­labas ng Supreme Court ang desis­yon dahil  ito ang huling araw ng status quo ante-order ng Ma­taas na Hukuman kung saan noong nakalipas na linggo pa sana  natapos subalit nabigo ang mga Mahistrado na magdesis­yon kaya pina­lawig pa ng isang linggo kung saan kahapon nata­pos ang  kanilang deadline. Gemma Amargo-Garcia

Show comments