Dalagita dinukot, minolestiya ng tibo

BULACAN, Philippines — Napariwara ang kinabukasan ng isang 11-anyos na dalagita matapos dukutin ay minolestiya pa ng isang tibo na kanyang ka-textmate sa Barangay Sampalok sa bayan ng San Rafael, Bulacan noong Huwebes. Nasagip na­man ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Bek­bek matapos salakayin ang pinagkukutaan ng suspek na si Ma. Sherwin Barredo, 30, sa Zone 13, Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City. Naaresto ang suspek matapos palayain nito ang dalagita kung saan nakarating naman sa kaalaman ng kanyang mga magulang ang insidente. Napag-alamang ka-textmate ng biktima ang suspek kung saan niyaya siyang mamasyal subalit dinala sa nabanggit na barangay at isi­nagawa ang pangmomolestiya. Boy Cruz

Show comments