^

Probinsiya

Lider ng KFR, 1 pa dedo sa bakbakan

-

ZAMBOANGA CITY , Philippines  — Dalawa-katao kabilang ang lider ng kidnap-for-ransom gang ang napatay ng mili­tar habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naga­nap na bakbakan noong Sabado ng madaling-araw sa bayan ng Sumisip, Ba­silan.

Kinilala ang mga napas­lang na sina Abugao Ba­yali, notoryus na lider ng kidnap-for-ransom gang at Hudan Asarul.

Si Bayali ay sinasabing kumander ng lost command ng Moro Islamic Libe­ration Front na may ugnayan sa mga bandi­dong Abu Sayyaf Group habang si Asarul ay civilian volunteer at kaanak ni Sumisip Mayor Haber Asarul.

Sugatan naman sina Asarul Abdulmunir at Amad Kabung na kapwa miyem­bro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit.

Lumilitaw na nagpa­patrolya ang mga kawal ng Cafgu kasama si Asarul nang makasagupa ang grupo ni Bayali sa Sitio Telling sa Barangay Central.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan saka uma­tras ang mga rebelde bitbit ang sugatang si Bayali at sinasabing namatay dahil sa mga tama ng bala ng baril. Joy Cantos

ABU SAYYAF GROUP

ABUGAO BA

AMAD KABUNG

ASARUL

ASARUL ABDULMUNIR

BARANGAY CENTRAL

BAYALI

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

HUDAN ASARUL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with