14 sugatan sa road mishap

BATANGAS, Philippines – Labing-apat na katao ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga sugat nang mag­bang­gaan ang pam­pa­saherong jeepney at isang asian utility vehicle (AUV) sa kahabaan ng highway sa Barangay Uno, Cuenca, Batangas kahapon. Ayon kay P/Senior Insp. Norman Cas-Oy, Cuenca police chief, lumilitaw na biglang nag-overtake ang Isuzu Sportivo (VEY-499) ni Rannie Gatchalian sa unahang sasakyan kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney (DXH-792) ni Maximo Tenorio. Isinugod ang mga biktima sa San Jose District Hospital at mga ospital sa Lipa City kung saan patuloy naman ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta

Show comments