Lady reporter nabiktima ng bukas-kotse

BATANGAS , Philippines  — Nan­lumo ang isang lady TV reporter at kapatid nito ma­tapos mabiktima ng Bukas-Kotse Gang sa compound ng sim­bahan sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Ibaan, Batangas kama­lawa.  

Dumulog sa himpilan ng pulisya sina Tina Ganzon ng ABS-CBN TV 10 - Ba­tangas at ang kanyang kapatid na si Fides Gan­zon, isang opisyal ng banko matapos matangayan ng mga personal na gamit at malaking halaga mula sa loob ng kanilang kotse.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na katatapos lang magsimba ng mag-utol sa St. James the Great Parish Church nang madis­kubre na basag na ang salamin ng kanilang Toyota Vios ban­dang alas-5 ng hapon.

Kabilang sa natangay na mga gamit ay ang lap­top, external hard drive, da­lawang cell phone, mga bag at pitaka na may mga credit card, ID at P30,000.

Handa naman magbi­gay ng P50,000 pabuya ang pamilya Ganzon sa sinu­mang makakapag­sauli ng kanilang mga ga­mit par­tikular na lang ang external hard drive ng laptop at mga ID. Arnell Ozaeta

Show comments