7 tiklo sa shabu tiangge

BULACAN , Philippines  — Pitong ka­la­lakihan na sinasabing notoryus na drug pusher ang naaresto ng mga aw­toridad sa isinagawang drug bust operation sa shabu tiangge sa Barangay Pleasant Hills sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Kabilang sa mga naaresto ay sina Francisco Chua ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon; Benjamin Pauquin ng Brgy. Maharlika, San Jose Del Monte; Baya Rascal, tubong Lanao Del Norte; Rogelio Sabas, Sonny Sabas, Christian Tabalanza at si Conrado Esteban na pawang naka­tira sa Brgy.Tala, Caloocan City. Napag-alamang sina­la­kay ng mga tauhan ng PDEA, at kapulisan ang sha­bu tiangge na sinasa­bing may mga CCTV camera sa magkabi­lang tabi.

Nagkaroon ng ilang mi­nutong putukan bago na­a­res­to ang mga sus­pek ha­bang ang isa na­man ay na­isugod sa ospital dahil sa ta­ma ng bala ng baril. Na­sam­ sam sa mga sus­pek ang hin­di pa mabatid na gra­mo ng shabu at mga ba­la ang Armalite rifle. Boy Cruz

Show comments