Trak hulog sa bangin: 9 dedo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Ka­ma­tayan ang sumalu­bong sa siyam-katao na sinasabing mamanhikan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang dump truck saka sumalpok sa puno ng mahogany kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Ba­gong Tapay, sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Erlinda Mondragon, Lilibeth Paulete, Emelita Vic­toriano, Roni Mon­dra­gon, Primitivo Mondragon, Sieg­fred Cananay, EJ Jalapon Tan, Juanito Tabor, Rebelina Victoriano, at isang ‘di-pa kilalang mi­yembro ng pa­milya Mon­dragon.

Sugatan naman sina Leo Hanapan Cananay, 45; Rufino Abor Victoriano, 44; Belen Mondragon Pagu­long, 47; Lorena Batoon Ca­tayas, 21; EJ Tan, 26; Ro­lyn Mondra­ gon, 28; Ian Pama, 19; Romeo Mos­que­ra, Jr., 25; Roi John Tabor, 20; Ha­rold Mondragon ng Ba­rangay Kibia, Mata­lam at ang misis na si Er­linda Pagulong Mon­dragon.

Ayon kay M’lang Mayor Joselito Pinol, ang mga biktima ay mula sa Ba­rangay Kibia sa bayan ng Matalam, North Cotabato at patungo sana sa bayan ng Polomolok, South Cota­bato para mamanhikan nang makasalubong si kamata­yan sa national highway ng M’lang.

Nabatid na nagkapro­ble­ma sa makina nang su­­mapit sa baku-bakong kal­sada sa Barangay Ba­­gong Tapayl kaya na­walan ng preno ang truck at bumu­lusok sa bangin. Malu Manar

Show comments