Antigong fire truck sa SBMA

SUBIC BAY FREE­PORT , Philippines   – Kumpiyansa pa rin ang mga bantay-sunog sa Subic Bay Metro­politan Authority (SBMA) sa an­ tigong fire truck na patuloy na gina­gamit hanggang sa kasa­lukuyan matapos mana­hin sa mga Ameri­kano noong base military pa ito.

Ayon kay SBMA fire chief Rannie Magno, ang 1956 Howe International HR-62 R 185 series fire truck na may code name 2-1 ay ginagamit pa rin sa pagresponde sa sunog sa Subic Bay kahit na 40-taong gulang na ito at su­basabay sa mga moder­nong fire truck tulad ng 2004 model na International Harvester FRT 014 7-3.

“Noong 1992 ay na turn-over na ito ng US government sa SBMA at magpahanggang ngayon ay gamit pa rin ito. Nag­pa­pakita lamang kung gaano namin pinapahalagahan ang mga kagamitan namin,” pahayag ni Magno.

Ang halos collector’s item na 2-1 fire truck ay may reservoir tank na 250 gallons at may pump-up power na 500 gallons per minute.

Kalimitang gamit ito ngayon sa mga forest fire dahil pumapasok ito sa mga makipot na kalsada ng kagubatan partikular na sa kasalukuyang pana­nalasa ng El Niño phenomenon sa bansa. Alex Galang

Show comments